Wednesday, July 29, 2009

Josie's story on how she almost died because of BELO's malpractice...



I received a message from a dear friend informing me about an issue with Dr. Vicky Belo and Ms.Josie. He gave me her blogsite to read the full story about what happen and I will be posting her latest blog here...

***********************

Ako si Josefina Norcio, Josie in short; 40 gulang, isang negosyante. Simple lang ang pangarap ko, mapatakbo ng maayos ang negosyo ko, makapag bigay ng maganda at komportableng buhay sa aking pamilya. Pangkaraniwang tao lang ako gaya nyo. Hindi ako artista, mas lalo namang hindi ako politiko, pero naiiba ang kwento ko. Bakit kamo? Kasi biktima ako ng isang malaking panloloko. Biktima ako ng panloloko na higi’t pa sa pera, buhay ko na ang sinisingil.

Taong 2002 nung pumunta ako sa clinic ni Dra. Vicky Belo at nagpa-consulta mismo sa kanya para magpa-butt augmentation. Ipinaliwanag niya sakin na ang operasyon na gagawin at ang hydrogel na gagamitin para sa butt augmentation ay safe, wala daw magiging side effect na makakasama kasi nga “hydrogel”, parang tubig. Dahil siya ay isang duktor na may experience sa pag papaganda, nagtiwala ako na nasa mabuting kamay ako; hindi ko aakalain na isang araw, dahil sa pagtiwala ko sa kanya mag aagaw buhay ako.

Nakailang balik nako sa Ospital dahil sa butt augmentation na ginawa sakin, na ipinangakong gaganda ang aking pwet at safe na procedure daw. Sobrang hirap ang pinagdaan ko pati na ng aking pamilya! Hindi lang sakit ng bulsa kundi loob ang naidulot sa akin dahil sa panglolokong ginawa sakin ni Doktora Vicky Belo! Ilang beses na din ako humingi ng tulong sa kanila pero wala din nangyari.
Kung makakarating lang sana to kay Vicky Belo, katarungan lang ang hinihingi ko! Kabayaran para sa lahat ng pinagdaanan ko at ng aking pamilya dahil sa panloloko niya sakin! Kung pwede lang pagdaanan din Doktora Vicky Belo ang pinagdaanan ko sa St.Luke’s. Lahat ng sakit, hirap at pagod na naramdaman ko nung ako ay mag agaw buhay para lang masabi na patas na pero hindi pa din!

Nung mag agaw buhay ako ang naisip ko ang aking mga anak! Masyado pa silang bata para mawalan ng Nanay. Eh ikaw Vicky Belo? kahit mag agaw buhay ka matatanda na ang mga anak mo. Lalaki mo lang iisipin mo. Naka ilang beses ako lumapit sa kanila para humingi ng tulong pero binale wala lang nila ako! Dahil ba kasi hindi ako celebrity? Pang karaniwang tao lang ako kaya inisang tabi lang ako? Sino ba lang ba naman ako?
Hindi lang nila alam na isa akong palaban na tao. Ginawa kong ireklamo si Vicky Belo at ilahad ang aking kwento para ilabas ang totoo, na si Belo ay isang manloloko, at isa ako sa mga naloko niya

Sa pamamagitan ng blog kong ito, iku-kwento ko ang buhay ko at sana’y maging gabay na sa mga nagiisip na mag-punta sa kanya para magpaayos ng kanilang sarili na imbes sa kanya pumunta, doon na lang sa lehitimo, at sa totoong experto magpasuri dahil baka ikamatay lang nila ang pag tiwala nila kay Belo.

Ako si Josie, apat na pung taong gulang at dito nagsisimula ang aking kwento...



(TO READ FULL STORY go to: http://contrabelo.blogspot.com/ )

**Check out Youtube videos by searching BELO MEDICAL GROUP SCANDAL or JOSIE NORCIO**

No comments: